Thursday, 30 August 2012
Sana Ikaw na lang
by: Curse One
Habang pinagmamasdan ko
ang mga kamay ng orasan
orasan oh nasan ka na
laging hinahanap ka
gabi gabi naglalasing ngunit
nandiyan ka pa rin
sa isip ko, sana'y ikaw na lang
ang katabi ngayong gabi
Mga alaala mo
laging dala dala ko at
napakadrama ko
sa tuwina siya ang kasama ko
oo siya'ng kasama ko
pero ikaw ang sigaw ng puso ko
Chorus:
Sana ikaw na lang (sana ikaw na lang)
Ang nag-aalaga sa puso ko
kasama ko sa mga oras na to
sana ikaw na lang (talaga)
pagka't ang sabi ng puso ko
mas sasaya ako sa piling mo
kaw ang siyang dahilan
kung bakit di ko magawa-gawang lisanin
ang nakaraan natin
at sa araw-araw na ako ay
nangangarap na ika'y makatabi
iniisip ko na lang na
ikaw ang kahati ng puso ko
pakinggan mo ang sinisigaw
gusto ng bumitaw
sa piling niya
at kunin ka
sana ay ikaw na lang
Sana ikaw na lang (sana ikaw na lang)
Ang nag-aalaga sa puso ko
kasama ko sa mga oras na to
sana ikaw na lang (talaga)
pagka't ang sabi ng puso ko
mas sasaya ako sa piling mo
Sana nga ikaw na lang ang katabi
sa mga oras na lumalamig ang aking gabi
at bakit ba palagi ikaw aking hanap hanap
nagtatanong sa isip san kita mahahagilap
nakatingin sa ulap kulang ba ang panalangin
pagmamahal sa iyo di ko na
kailangan pang sabihin
pinapawi mo ang pagod
pinapawi mong lungkot
kung sa akin ka lang sana
parang pangarap ko na abot kaya
kung pwede lang sana
tayong dalawa na lang
araw araw iniisip ko
sana ikaw na lang
sana ikaw na lang
sana ikaw na lang
(Repeat Chorus)
Tumatakbo na naman ang oras
buong araw ay lumipas na naman,
bawat pitik hangin dulot
nito'y lungkot at pighati
kasabay ng pagluha sa ulan
hindi na kaya (hindi na kaya)
ala-ala mo sana'y maibalik,
muli akong umasa
sa mga yakap ko
ikaw ay mananabik
(Repeat Chorus)
Tuwing makikita ka
ang damdamin ay di mapigilan
may nagmamahal na ba sa iyo
sana ikaw na lang ang mag-aalaga sa tulad ko
ang mundo ko sana'y umikot kasama ka
ngunit hindi na magkakaganon
di sa akin nabatay,
hindi ako nakapag-isip yeah yeah...
binibining walang kasing ganda
ikaw iyong nakita ko lang
sa matamis na panaginip
sa suliranin na dumarating
ay sana ang karamay ko
ikaw ako lang at ikaw mahal
(Repeat Chorus)
sana ikaw na lang,
sana ikaw na lang
ikaw na lang sana
ikaw na lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment